Lansangang-bayang Quirino Quirino Highway | |
---|---|
![]() Lansangang-bayang Quirino sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte, malapit sa hangganan nito sa Hilagang Kalookan | |
Impormasyon sa ruta | |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Daang palibot sa paligid ng Lungsod Quezon, Hilagang Kalookan, at San Jose del Monte | |
Dulo sa timog | ![]() ![]() |
| |
Dulo sa hilaga | Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Lungsod Quezon, Hilagang Caloocan, San Jose del Monte |
Mga bayan | Norzagaray |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Lansangang-bayang Quirino (Ingles: Quirino Highway), na dating kilala bilang Daang Maynila-del Monte Garay at Daang Ipo, ay isang lansangan na matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Pilipinas, na umaabot sa apat hanggang walong linya. Isa ito sa mga pangunahing daan sa Kalakhang Maynila, at nagbibigay ito ng alternatibong ruta papuntang Baliwag at Lambak ng Cagayan gamit ang Cagayan Valley Road.
Ang lansangan ay bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 127 (N127) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, at ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistema ng lansangang arteryal ng Kalakhang Maynila. Ang bahagi nito mula sa sangandaan nito sa Abenida Commonwealth hanggang sa hilagang dulo nito sa Norzagaray ay bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan.