Ang libido, sa pangkaraniwang paggamit ng salita, ay nangangahulugang simbuyo, udyok, gana o pagnanasang seksuwal ng tao[1]; subalit may mas teknikal na mga kahulugang katulad ng mga matatagpuan sa mga gawain ni Carl Jung na mas pangkalahatan o malawak, na tumutukoy sa libido bilang isang malayang malikhain o lakas, enerhiya, o gana ng isipan[1] na kailangang ilagay ng isang indibiduwal patungo sa kaunlaran ng sarili o indibiduwasyon. Sa pangkaraniwang pakahulugan, nagiging katumbas ito ng libog, kamunduhan, pangungutog, o "kati ng ari" (kagustuhang makipagtalik).[2]