Ang isang likas na sakuna (o likas na kalamidad, Ingles: natural disaster) ay isang pangunahing salungat na kaganapan buhat sa likas na mga proseso ng Daigdig. Mga halimbawa nito ay baha, bagyo, buhawi, pagsabog ng bulkan, lindol, tsunami, bagyo, at iba pang mga prosesoong heolohiko. Ang isang likas na kalamidad ay maaaring magdulot ng pagkawala ng buhay o pinsala sa ari-arian, [1] at karaniwang nag-iiwan ito ng pang-ekonomiyang pinsala, ang pagiging malubha nito ay nakadepende sa katatagan (kakayahan na makabangon) ng naapektuhang populasyon at sa umiiral na impraestruktura.
Hindi mahahantong sa antas ng sakuna ang isang masamang kaganapan kung magaganap ito sa isang lugar na walang populasyon na madaling maapektuhan nito. Ngunit sa isang nakahantad na lugar, tulad ng Nepal noong niyanig ito ng lindol noong 2015, maaaring magdulot ang isang hindi kanais-nais na kaganapan (tulad ng lindol) ng mapaminsalang mga kahihinatnan at mag-iwan ng pangmatagalang pinsala, na maaaring mangailangan ng maraming taon upang ayusin o makabangon.