Likurang patinig

Likurang patinig (Ingles: back vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa likurang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit kagaya ng sa mga katinig.[1] Tinatawag din minsan ang mga likurang patinig bilang mga madidilim na patinig (Ingles: dark vowel) dahil sa pagiging mas "madilim" nito (kung papakinggan) kesa sa mga harapang patinig. Sa wikang Tagalog, [u] (hal. ulo) at [o] (hal. suntok) ang mga likurang patinig.[2]

Isang uri ng mga likurang patinig ang mga halos likurang patinig (Ingles: near-back vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga likuran at halos likurang patinig.

  1. "back vowel" [likurang patinig]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Abril 2023.
  2. Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne