Ang Lilongwe (NK /lɪˈlɒŋweɪ/, EU /ʔwi,_lɪˈlɔːŋweɪ/, IPA: [ɽiˈɽoᵑɡʷe]) ay ang kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Aprikanong bansa ng Malawi.[1] Mayroon itong populasyon na 989,318, sang-ayon sa sensus noong 2018, na tumaas ang populasyon mula sa 674,448 noong 2008.[2] Noong 2020, ang bilang ng populasyon ay 1,122,000.[3] Matatagpuan ang lungsod sa gitnang rehiyon ng Malawi, sa distrito na may kaparehong pangalan, malapit sa hangganan nito sa Mozambique at Zambia, at ito ay isang mahalagang sentrong pang-ekonomiya at transportasyon para gitnang Malawi.[4] Ipinangalan ito sa Ilog Lilongwe.