Lingguwistika

Ang lingguwistika o linggwistika (mula Espanyol lingüística),[1][2] kilala rin sa tawag na dalubwikaan, aghamwika, o agwika,[3] ay ang maagham na pag-aaral sa mga wika ng tao.[4] Sakop nito ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat isang bahagi at aspeto ng wika, gayundin sa mga kapaaranan para mapag-aralan sila at magawan ng mga modelo.

Ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, semantika, at pragmatika ay ang mga tradisyonal na disiplina sa ilalim ng lingguwistika.[5] Pinag-aaralan ng mga ito ang mga penomenang nagaganap sa mga sistema ng lingguwistika ng tao: tunog (pati galaw, para sa mga wikang nakasenyas), maliliit na yunit (tulad ng salita at morpema), mga parirala at pangungusap, gayundin ang kahulugan at paggamit.

Tinatawag na mga dalubwika o lingguwista ang mga taong dalubhasa sa lingguwistika.[6][7][8]

  1. "lingguwistika". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.
  2. "linggwistika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.
  3. "aghamwika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 12, 2021.
  4. Halliday, Michael A.K.; Jonathan Webster (2006). On Language and Linguistics [Ukol sa Wika at Lingguwistika] (sa wikang Ingles). Continuum International Publishing Group. p. vii. ISBN 978-0-8264-8824-4.
  5. Adrian Akmajian, Richard A. Demers, Ann K. Farmer, Robert M. Harnish (2010). Linguistics [Lingguwistika] (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). The MIT Press. ISBN 978-0-262-51370-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-14. Nakuha noong 2021-10-16.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. "dalubwika". Diksyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.
  7. "lingguwista". Diksyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.
  8. "dalubwika". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 16, 2021.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne