Linyang Takasaki | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Lokasyon | Tokyo, Prepektura ng Saitama at Gunma | ||
Hangganan | Ōmiya Takasaki | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1883 | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 74.7 km (46.4 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC overhead catenary | ||
Bilis ng pagpapaandar | 120 km/h (75 mph) | ||
|
Ang Linyang Takasaki (高崎線 Takasaki-sen) ay isang linyang daangbakal na kumokonekta sa Estasyon ng Ōmiya sa Saitama, Prepektura ng Saitama at Estasyon ng Takasaki sa Takasaki, Prepektura ng Gunma. Pagmamay-ari at pinapatakbo ito ng East Japan Railway Company (JR East).
Tumatakbo ang lahat ng serbisyo ng linya (hindi kabilang ang mga tren ng Linyang Shonan-Shinjuku) papunta/mula sa Estasyon ng Ueno sa Tokyo na bumabagtas ng Pangunahing Linyang Tōhoku. Umaabot ang linya sa Estasyon ng Tokyo kapag babagtas ng Linyang Ueno-Tokyo na binuksan noong Marso 2015.
Dahil sineserbisyohan ng Linyang Takasaki ang maraming pangunahing lungsod sa loob ng Prepektura ng Saitama, ito ay isang mahalagang uri ng transportasyon sa prepektura. Magkatabi lamang ang linya sa Pambansang Ruta 17 at ang sinundan nito, ang Nakasendō.