Linyang Tsurumi

Linyang Tsurumi
Dalawang tren na may Seryeng 205-1100 ng Linyang Tsurumi sa Estasyon ng Tsurumi, Mayo 2006
Buod
UriMabigat na daangbakal
LokasyonPrepektura ng Kanagawa
HanggananTsurumi
Ōgimachi
Operasyon
Binuksan noong10 Marso 1926 (1926-03-10)
May-ariJR East
Ginagamit na trenSeryeng 205-1100
Teknikal
Haba ng linya7.0 km (4.3 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Mapa ng ruta

Ang Linyang Tsurumi (鶴見線, Tsurumi-sen) ay isang pangkat ng tatlong linyang daangbakal na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East) sa Prepektura ng Kanagawa, Hapon. Orihinal na itinayo ang linya para serbisyohan ang daungan at ang kalapit na lugar ng industriya subalit nang lumaon ay nagserbisyo na rin sila para sa mga pasahero (para sa mga lokal na manggagawa) sa pagitan ng Estasyon ng Tsurumi sa Tsurumi-ku, Yokohama at Estasyon ng Ōgimachi sa Kawasaki-ku, Kawasaki, at dalawang maikling sanga na may kabuuang haba na 9.7 km. Ang luwang ay 1,067 mm (3 ft 6 in), ang dalawang seksiyon ng linya ay may dalawang trakto at ang linya ay nakukuryentehan ng 1,500 V DC.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne