Ang Linyang Yokohama (横浜線, Yokohama-sen) ay isang linyang daangbakal na pagmamayari ng East Japan Railway Company (JR East) na nagkokonekta sa Estasyon ng Higashi-Kanagawa sa Yokohama, Kanagawa at Estasyon ng Hachiōji sa Hachiōji, Tokyo. Nagmula ang pangalan ng linya mula sa seksyon sa pagitan ng Nagatsuta at Higashi-Kanagawa na tumatakbo sa lungsod ng Yokohama. Tinatawag din itong Hama-sen (浜線) ng mga lokal na naninirahan.[1] Sineserbisyuhan ng linyang ito ang mga mananakay sa timog kanlurang suburban ng Tokyo at hilaga silangang suburban ng Yokohama.
- ↑ Aizawa, Masao (1996). Hamasen chimei arekore yokohama-hen. 230 Club Shinbunsha. ISBN 978-4-931353-24-4.