Ang liwasan o parke ay isang lugar na may bukas na espasyo para sa pag-aaliw. Maari itong nasa katayuang likas o medyo likas, o binalak, at hiniwalay para sa kasiyahan ng tao o para sa ipagsanggalang ang mga likas na tirahan ng mga hayop. Maaring binubuo ito ng mga bato, lupa, tubig, mga halaman at palahayupan, at mga damuhan, ngunit maaring mayroon din itong mga gusali at ibang artepakto katulad ng palaruan. Maraming mga likas na liwasan ang pinoprotekta ng batas.