Uri | Pahayagang pang-araw-araw |
---|---|
Pagkaka-ayos | Broadsheet |
Editor | Kevin Merida |
Itinatag | 4 Disyembre 1881 | (bilang Los Angeles Daily Times)
Wika | Ingles |
Himpilan | 2300 E. Imperial Highway El Segundo, California 90245 |
Sirkulasyon | 142,382 Katamtamang sirkulasyon ng pag-print[1] 105,000 Digital (2018)[2] |
ISSN | 0458-3035 |
OCLC | 3638237 |
Websayt | latimes.com |
Ang Los Angeles Times (dinaglat bilang LA Times) ay isang pahayagang pang-araw-araw na nagsimulang maglathala sa Los Angeles noong 1881 at nakabase ngayon sa El Segundo, isang magkatabing arabal.[3] Ito ang may ikalimang pinakamalaking sirkulasyon sa Estados Unidos at ang pinakamalaking Amerikanong pahayagan na hindi nakabase sa East Coast.[4] Nakatutok ang papel sa mga isyu na prominente sa West Coast, tulad ng mga kalakaran sa pandarayuhan at likas na sakuna. Nanalo ito ng higit sa 40 Pulitzer Prize para sa pagbabalita ng mga ito at iba pang mga isyu. Magmula noong 18 Hunyo 2018[update], si Patrick Soon-Shiong ang may-ari ng papel. Kinokonsidera ito bilang pahayagang nasa talaan (newspaper of record) sa Estados Unidos.[5][6]
Noong ika-19 na siglo, nagkaroon ang papel ng reputasyon sa civic boosterism at pagsalungat sa mga unyon ng mga manggagawa, na humantong sa pagbomba ng punong-tanggapan nito noong 1910. Lumago ang papel noong dekada 1960 sa paghahawak ng tagapaglathala na si Otis Chandler, na nagtaguyod ng mas pambansang pokus. Sa mga nakaraang dekada, kumonti ang mambabasa ng papel, at napaharap ito sa sunud-sunod na mga pagbabago ng pagmamay-ari, pagbabawas ng mga tauhan, at iba pang mga kontrobersya. Noong Enero 2018, bumoto ang mga tauhan ng papel upang mag-unyon at tinapos ang una nilang kontratang pang-unyon noong Oktubre 16, 2019.[7] Lumipat ang papel mula sa makasaysayang punong-tanggapan nito sa kabayanan papunta sa isang pasilidad sa El Segundo, malapit sa Pandaigdigang Paliparan ng Los Angeles noong Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)