Lumad

Ang mga Bagobo, isa sa mga Lumad, sa kanilang tradisyonal na kasuotan (c. 1913)

Ang Lumad ay isang katawagan para sa pangkat ng mga katutubo mula sa Pilipinas na pangunahing matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Isang katawagang Bisaya ang "lumad" na nangangahulgang "katutubo".[1] Nangangahulugan din ito sa Bisaya bilang "isinilang mula sa lupa".[2][3] Ang katawagan ay pinaikli mula sa Katawhang Lumad na nanganghulugang "Mga Katutubo".[4]

Isa itong pampolitikang katawagan na unang naging tanyag nang ginagamit noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos upang tukuyin ang mga katutubong hindi Moro o hindi Kristiyano na nabiktima ng mga agresyon ng pag-unlad na naapekto sa kanilang lupaing ninuno.[5][6]

Noong Hunyo 26, 1986, pinagtibay ang katawagang Lumad ng karamihan sa mga pangkat-etniko na delegado sa pagpulong ng Lumad Mindanao People's Federation (LMPF, o lit. na 'Pederasyong Pambayan ng Lumad sa Mindanao') sa Guadalupe Formation Center, Balindog, Kidapawan, Hilagang Cotabato (Cotabato na lamang ngayon).[5][7] Pumasok din ang katawagan sa Batas Republika Blg. 6734 na pinirmahan nang noo'y Pangulong Corazon Aquino. Nasaad sa Artikulo XII Seksyon 8(2) na ang mga Lumad ay grupong iba sa mga pamayanang etniko mula sa Bangsamoro.[8] Bagaman, noong Marso 2, 2021, naglabas ang Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan ng resolusyon na tinututulan ang paggamit ng katawagang "lumad" at inatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na iwasan ang paggamit ng "lumad" sa mga opisyal na dokumento at komunikasyon.[9] Mariing namang binatikos ng ilang sektor ang resolusyon ng komisyon.

Kinabibilangan ng 17 pangkat-etniko ang mga Lumad, at mayaman at malawak ang kalinangan ng mga Lumad na kinabibilangan ng mga wika, ritwal, sayaw at iba pang mga tradisyon.[10] Tahanan ang Mindanao ng malaking bahagi ng katutubong populasyon ng bansa, na binubuo ng humigit-kumulang 15% ng populasyon ng Pilipinas noong 2008.[5] Bagaman, kinukwestyon ang lubhang kalakihan ng bahagdang ito partikular ang ekonomistang si Winnie Monsod.[11]

Maraming suliranin at madaling manganib ang mga Lumad tulad ng pag-atake at pagsuspetya sa kanila bilang komunista,[12] mataas na insidente ng kahirapan dulot ng pag-agaw sa kanilang lupain,[13] at diskriminasyon.[6] Wala din silang pantay na kaparaanan na makuha ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at kabuhayan.

  1. "LUMAD in Mindanao". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  2. "NMA: Lumad – National Museum" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  3. Tupaz, Voltaire (2017-08-09). "INFOGRAPHIC: Who are the Lumad?". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  4. "The IP struggle continues as NCIP red-tags and bans use of "Lumad," the collective word for Mindanao IPs since the late 1970s" (sa wikang Ingles). 2021-03-20. Nakuha noong 2025-02-20.
  5. 5.0 5.1 5.2 Manager, Site (2017-02-28). "Wars of Extinction: The Lumad Killings in Mindanao, Philippines". Kyoto Review of Southeast Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.
  6. 6.0 6.1 "Arnold Alamon Highlights Lumad Identity, Resistance at the 3rd Consuelo J. Paz Lecture". 22 Marso 2023.
  7. Rodil, Rudy B. "The Tri-People Relationship and the Peace Process in Mindanao". Inarkibo mula sa orihinal noong 5 August 2004. Nakuha noong 21 October 2017.
  8. Ulindang, Faina. "Lumad in Mindanao". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 May 2021. Nakuha noong 2021-04-18.
  9. "Facebook". Pahinang Facebook ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan. Nakuha noong 2025-02-21.
  10. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang :4); $2
  11. Collas-Monsod, Solita (2015-09-19). "Who is exploiting the 'lumad'?". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-21.
  12. Philippines, Eric Marcelo Genilo |. "Protecting the Lumads of the Philippines | Catholic Theological Ethics in the World Church". catholicethics.com. Nakuha noong 2025-02-18.
  13. "Collectively creating change: Sabokahan Unity of Lumad Women". Mama Cash (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-18.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne