Lumba-lumba[1] Temporal na saklaw: Maagang Miocene - Kailan lang
| |
---|---|
![]() | |
Isang Bottlenose Dolphin na sumasabay sa along sanhi ng isang bangkang de-motor | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Infraorden: | Cetacea |
Parvorden: | Odontoceti |
Kabilang na family | |
Ang mga lumba-lumba (mas kilala sa tawag na dolphin [Ingles] o delfín [Kastila]) ay mga mamalyang pantubig na malapit na kamag-anakan ng mga balyena at mga posenido (Kastila: focénido) o porpoise sa Ingles (mga lumba-lumbang may mga pangong ilong at bibig). Mayroong halos mga 40 espesye ng mga lumba-lumba sa loob ng 17 genera. Nagkakaiba-iba sila sa laki mula sa 1.2 metro (4 na talampakan) at 40 kilogramo (88 libra), katulad ng dolpin sa Maui, Hawaii; hanggang sa 9.5 m (30 talampakan) at 10 tonelada, katulad ng mga Orka o balyenang mamamatay (Ingles: killer whale). Matatagpuan sila sa buong mundo, karamihan ang sa mga mabababaw na karagatan ng mga pitak pangkontinente. Mga kumakain ng karne (o karniboro), at halos isda at mga pusit lamang. Ang pamilyang Delphinidae ang siyang pinakamalaki sa mga Cetacea, at pinakakaylan lamang lumitaw. Lumitaw ang mga lumba-lumba nang may 10 milyong mga taon na ang nakalilipas, sa kapanahunang Miocene. Tinatanggap na ang mga dolpin na kabilang sa mga pinakamatatalinong hayop, at ang kanilang kadalasang maamong anyo at tila mapaglarong ugali ang sanhi ng kanilang kabantugan sa kalinangan ng mga tao.