Lutuing Pilipino

Isang seleksyon ng mga pagkaing mahahanap sa lutuing Pilipino.

Binubuo ang lutuing Pilipino ng mga lutuin ng higit sa isang daang natatanging pangkat etniko sa kapuluan ng Pilipinas. Karamihan ng mga kilalang pagkain sa lutuing Pilipino ay mula sa mga tradisyon sa pagluluto ng mga iba't ibang pangkat etnolingguwistiko at tribo ng kapuluan, kabilang dito ang mga Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikolano, Bisaya, Chavacano, at Maranaw. Sa paglipas ng mga siglo, nag-ebolb ang mga pagkaing nauugnay sa mga pangkat na ito mula sa katutubong pundasyon (Austronesyo, higit sa lahat) tulad ng mga ibang bansa sa maritimong Timog-silangang Asya na may iba't ibang impluwensiya mula sa mga lutuing Tsino, Kastila, at Amerikano na inangkop gamit ang mga katutubong sangkap upang pumatok sa mga lokal na kagustuhan.[1][2][3][4][5]

Ang saklaw ng putahe ay mula sa simpleng daing at kanin hanggang sa mga kari, paelya, at cozido mula sa Iberya na inihahanda para sa mga piyesta. Kabilang sa mga sikat na pagkain ang litson, longganisa, tapa, torta, adobo, kaldereta, metsado, putsero, apritada, kare-kare, pinakbet, sinigang, pansit, at lumpiya.

Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.[6]

  1. Alejandro, Reynaldo (1985). The Philippine cookbook [Ang Pilipinong aklat panluto] (sa wikang Ingles). New York, New York: Penguin. pp. 12–14. ISBN 978-0-399-51144-8. Nakuha noong Hunyo 30, 2011.
  2. Civitello, Linda (2011). Cuisine and Culture: A History of Food and People [Lutuin at Kultura: Isang Kasaysayan ng Pagkain at Mga Tao] (sa wikang Ingles). John Wiley and Sons. p. 263. ISBN 978-1-118-09875-2. Nakuha noong June 30, 2011. Just as Filipino people are part Malay, Chinese and Spanish, so is the cuisine of their seven-thousand-island nation
  3. Philippines Country Study Guide [Gabay sa Pag-aaral ng Bansa ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Int'l Business Publications. 2007. p. 111. ISBN 978-1-4330-3970-6. Nakuha noong Hunyo 30, 2011. Sa nakalipas na mga siglo, inangkop ng mga isla ang mga lutuin ng mga unang nandayuhang Malay, mga negosyanteng Arabe at Tsino, at mga Kastila at Amerikanong kolonisador pati ang mga ibang panlasang Oryental at Oksidental. (Isinalin mula sa Ingles)[patay na link]
  4. "Philippine Cuisine." [Lutuing Pilipino] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 06-16-2011 sa Wayback Machine. Balitapinoy.net Naka-arkibo 07-23-2011 sa Wayback Machine. Nakuha noong Hulyo 2011.
  5. Morgolis, Jason (Pebrero 6, 2014). "Why is it so hard to find a good Filipino restaurant?" [Bakit napakahirap humanap ng magandang restorang Pilipino?]. Public Radio International (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 17, 2014. May impluwensiyang Tsino, Malasyo, Kastila at Amerikano ang pagkaing Pilipino—lahat mga kultura na humubog sa Pilipinas. (Isinalin mula sa Ingles)
  6. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "General Information, What it is: Filipino Cooking: A Blend of East and West". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa)., pahina 164-170.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne