Luxor الأقصر al-Uqṣur | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 25°41′N 32°39′E / 25.683°N 32.650°E | ||
Bansa | Egypt | |
Governorate | Luxor Governorate | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 416 km2 (161 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2020) | ||
• Kabuuan | 1,328,429 | |
Sona ng oras | UTC+02:00 (EET) | |
Kodigo ng lugar | (+20) 95 | |
Websayt | www.luxor.gov.eg | |
Opisyal na pangalan | Ancient Thebes with its Necropolis | |
Uri | Cultural | |
Pamantayan | i, iii, vi | |
Itinutukoy | 1979 (3rd session) | |
Takdang bilang | 87 | |
Region | Egyptian Governorates, Northern Africa, African Union |
Ang Luxor (sa Arabe: الأقصر al-Uqṣur) ay isang lungsod sa Mataas (katimugang) Ehipto at ang kabisera ng Luxor Governorate. Mayroon itong populasyon na 127,994 (2020), at may lawak na tinatayang 417 square kilometre (161 mi kuw) [1]. Bilang pook ng dating lungsod ng Thebes, malimit na itinuturing ang Luxor bilang "pinakamalaking bukas na museo sa buong mundo", dahil matatagpuan pa rin dito ang mga guho ng mga templo sa Karnak at Luxor. Sa kabilang ibayo naman ng Ilog Nile, matatagpuan ang mga monumento, templo, at mga libingan sa Necropolis sa kanlurang pampang, kung saan kasama ang Lambak ng mga Hari at Lambak ng mga Reyna. Libo-libong mga internasyunal na turista ang dumadagsa rito taun-taon na nakakatulong sa ekonomiya ng modernong lungsod.