Mababang paaralan

Ang mababang paaralan o paaralang primarya (Ingles: primary school o elementary school) ay ang paaralan na nagbibigay ng unang bahagi ng edukasyon ng mga bata. Ang mga batang nag-aaral sa mababang paaralan ay karaniwang nasa edad na mula lima hanggang labing isang taong gulang.[1] Dito napag-aaralan ng mga bata ang mga kasanayan na nagsisilbing pundasyon para maihanda sila sa pagharap sa buhay, trabaho at kung paano maging aktibong mamamayan.[2]

  1. "elementary school". Cambridge Dictionary. Cambridge University Press & Assessment. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. "Primary education | UNICEF". www.unicef.org. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne