![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Mabitac Bayan ng Mabitac | |
---|---|
![]() Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Mabitac. | |
![]() | |
Mga koordinado: 14°26′N 121°25′E / 14.43°N 121.42°E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Laguna |
Mga barangay | 15 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Ronald Ian Sana |
• Manghalalal | 16,183 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 80.76 km2 (31.18 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 21,275 |
• Kapal | 260/km2 (680/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 5,022 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-5 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 9.79% (2021)[2] |
• Kita | ₱ 139 million (2022) |
• Aset | ₱ 280.9 million (2022) |
• Pananagutan | ₱ 79.29 million (2022) |
• Paggasta | ₱ 115.8 million (2022) |
Kodigong Pangsulat | 4020 |
PSGC | 043414000 |
Kodigong pantawag | 49 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | mabitac.gov.ph |
Ang Bayan ng Mabitac ay isang ika-limang klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Naging lugar ito ng labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, kung kailan noong 17 Setyembre 1900, Ang mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Juan Cailles ang isang pagkatalo ng hukbong Amerikano na pinamumunuan naman ni Colonel Benjamin F. Cheatham. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 21,275 sa may 5,022 na kabahayan.
Magandang lugar pangangaso ang Mabitac sa mga laro noong tatlong dantaon nang nakalipas. Ang mga katutubong mangangaso noon ay gumagamit ng mga hukay o ""bitag"" para makahuli. Doon nagmula ang pangalan ng bayan ng Mabitac, na ang ibig sabihin ay maraming mga patibong.
Ang bayan ng Mabitac ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Laguna, 54.68 milya mula sa Maynila kung dadaan sa lalawigan ng Rizal sa mga paliku-likong daan nito, at 76.43 milya gamit naman ang South Luzon Expressway.