Malaking Baha

Malaking Baha (Kristiyanismo)
Malaking Baha (Hinduismo)

Ang Mitolohiya ng Malaking Baha[1] o Ang Baha[1] ang mitolohiya o relihiyosong kuwento ng isang delubyo o dakilang baha na ipinadala ng diyos o mga diyos upang wasakin ang sangkatauhan bilang akto ng paghihiganti ng diyos. Ang temang ito ay laganap sa maraming mga kultura bagaman ito ay pinakakilala sa makabagong panahon sa mga kuwento ni Ziusudra ng Sumerya, Atra-Hasis ng Akkadia, ni Utnapishtim sa Epiko ni Gilgamesh ng Babilonya, Arko ni Noe sa Bibliya at Quran, sa mga mitolohiya ng Quiché at Maya, sa Deucalion sa Mitolohiyang Griyego, at sa kuwentong Hindu ni Manu.

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Babala ng Malaking Baha, Ang Baha". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 18, 19, at 21.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne