Malanje

Malanje
Munisipalidad at lungsod
Sentro ng Malanje
Sentro ng Malanje
Malanje is located in Angola
Malanje
Malanje
Kinaroroonan sa Angola
Mga koordinado: 9°32′S 16°21′E / 9.533°S 16.350°E / -9.533; 16.350
Bansa Angola
LalawiganMalanje
Lawak
 • Kabuuan2,422 km2 (935 milya kuwadrado)
Taas
1,155 m (3,789 tal)
Populasyon
 (2009)
 • Kabuuan156,829
 • Kapal65/km2 (170/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaAw

Ang Malanje (karaniwang binabaybay nang mali bilang Malange) ay ang kabisera ng lalawigan ng Malanje sa Angola na may populasyon ng humigit-kumulang 222,000 katao. Matatagpuan ito 380 kilometro (240 milya) silangan ng Luanda, ang kabisera ng bansa. Sa pangunahin ay maumido ang klima na may karaniwang temperatura sa pagitan ng 20 at 24 °C (68 at 75 °F) at ulan na 900 hanggang 130 millimetro (35.4 hanggang 5.1 pul) sa tag-ulan (Oktubre hanggang Abril).

Malapit sa Malanje ang kamangha-manghang Talon ng Calandula, ang mga batuhan ng Pungo Andongo, at ang Saplad ng Capanda. Malapit din dito ang Pambansang Liwasan ng Cangandala na itinatag ng mga Portuges noong ika-25 ng Hunyo 1970 upang mangalaga sa mga giant sable antelope [en] na natuklasan noong 1963.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne