Mamon

Mamon
Mamon na may leche flan sa ilalim
Ibang tawagtorta, torta mamon, torta Bisaya, torta Visaya
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Pangunahing Sangkapharina, asukal, pulbos panghurno, itlog, mantika, mantikilya, krema ng tartar
Baryasyonmamon tostado, puto mamon, taisan, broas

Ang mamon ay malambot na keyk na tradisyonal sa Pilipinas na karaniwang inihuhurno sa mga hulmahang pangkapkeyk. Sa Kabisayaan, tinatawag ding torta mamon o torta ang mamon.[1][2] Kabilang sa mga baryante ng mamon ang malatinapay na taisan, ang rolyadong pianono, at ang maladaliring broas. May dalawa ring kakaibang baryante ng mamon na may halos parehas na sangkap, ang malakuki na mamon tostado at ang pinasingawang puto mamon.[3]

  1. "Mamon Recipe" [Resipi ng Mamon]. Foxy Folksy (sa wikang Ingles). Hunyo 21, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 9, 2018. Nakuha noong December 7, 2018.
  2. "Torta Mamon Cebu Recipe" [Resipi ng Torta Mamon ng Cebu]. Choose Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 27, 2022. Nakuha noong Disyembre 10, 2018.
  3. Polistico, Edgie (2016). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto, & Kainan] (sa wikang Ingles). Mandaluyong City: Anvil Publishing. ISBN 9786214200870.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne