Si Manetho o Manethon ( /ˈmænɪθoʊ/; Sinaunang Griyego: Μανέθων, Manethōn, o Μανέθως, Manethōs), na nakikilala rin bilang Maneto, Maneton, o Manetheo[1] ay isang Ehipsiyong manunulat ng kasaysayan at pari mula sa Sebennytos (sinaunang wikang Ehipsiyo: Tjebnutjer) na namuhay noong panahong Ptolemaiko, na tinatayang noong ika-3 daantaon BK. Ilan sa mga manunulat ng kasaysayan ang nagpapanatili na si Manetho ay mula sa Roma at inakdaan niya ang kaniyang akda noong humigit-kumulang sa sirka 200 AD [2] Isinulat ni Manetho ang Aegyptiaca (Kasaysayan ng Ehipto). Kaakit-akit para sa mga ehiptologo ang kaniyang gawa, at madalas na ginagamit bilang katibayan para sa kronolohiya ng mga pamumuno ng mga paraon. Ang pinakamaaga at nag-iisang nailigtas at umiiral na pagtukoy sa Aegyptiaca ni Manetho ay ang ginawang pagbanggit ni Hudyong manunulat ng kasaysayan na si Josephus, sa loob ng kaniyang akdang "Laban kay Apion".