Mga manok | |
---|---|
![]() | |
Nakadapong tandang (nasa kaliwa) at inahin (nasa kanan). | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Domesticated
| |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | G. gallus
|
Pangalang binomial | |
Gallus gallus (Linnaeus, 1758)
| |
Kasingkahulugan | |
Gallus gallus domesticus |
Ang manok o pitik (Ingles: chicken, Kastila: pollo) ay isang uri ng domestikadong ibon na kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng tao.[1]. Tandang (Ingles: rooster, Kastila: gallo) ang tawag sa lalaking manok, inahin (Ingles: hen, Kastila: gallina) naman ang sa babaeng manok, at sisiw (Ingles: chick) para sa mga inakay o anak na ibon nito. Ang mabata-batang inahin (halimbawa, wala pang isang taon) ay tinatawag na dumalaga (Ingles: pullet). Kapag mamula-mula o mala-ginto ang kulay ng tandang, tinatawag itong bulaw.[2]
Kabilang ang mga manok sa mga poltri[2], mga ibong inaalagaan at pinalalaki para kainin. Manukan ang katawagan sa pook na alagaan ng mga manok sa bukid.[2]