![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Abril 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangang ayusin ang balarila at pagkakasulat. Kailangan din isalin ang mga banyagang salita. |
Mark Villar | |
---|---|
![]() | |
Senator of the Philippines | |
Senate Deputy Majority Leader | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan August 2, 2022 | |
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Isolation Czar | |
Nasa puwesto March 16, 2020 – October 6, 2021 | |
Kalihim ng Departamento ng Public Works and Highways | |
Nasa puwesto August 2016 – October 6, 2021 | |
Mambabatas, Kamara | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Mark Aguilar Villar 14 Agosto 1978[1] Las Piñas, Philippines |
Kabansaan | Philippines |
Partidong pampolitika | Nacionalista |
Asawa | Emmeline Yan Aglipay |
Anak | 1 |
Magulang | Manny Villar Cynthia Villar |
Tahanan | Las Piñas, Metro Manila |
Alma mater | University of Pennsylvania, University of Chicago Booth School of Business, University of Chicago |
Trabaho | Senador |
Propesyon | Politician, Businessman |
Websitio | Mark Villar |
Si Mark Aguilar Villar (ipinanganak noong 14 Agosto 1978) ay isang Pilipinong senador, politiko, negosyante, kolumnista, at sumusuporta sa sining. Siya ay kasalukuyang naglilingkod sa kanyang unang termino bilang Senador[2]. Dati siyang Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2016 hanggang 2021 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte[3].
Pinangunahan ni Villar ang DPWH sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng programang Build Build Build ng Administrasyong Duterte[4].
Una siyang nahalal bilang Kinatawan ng Nag-iisang Distrito ng Las Piñas noong 2010[5]. Muli siyang nahalal para sa ikalawang termino noong 2013 [6], at para sa ikatlong termino noong 2016 ngunit itinalaga sa gabinete ni Duterte bilang DPWH Secretary[7].
Noong 2022, siya ay naging Senador ng Pilipinas[8]. Sa kasalukuyang 19th Congress, siya ay Deputy Majority Leader ng Senado. Siya rin ang tagapangulo ng dalawang komite sa Senado: ang Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, at ang Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies[9].
Iginawad sa kaniya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Kolehiyo ng Batas ang isang honorary Doctor of Laws degree para sa kaniyang mahalagang kontribusyon sa bansa at sa komunidad ng UP[10].
Si Villar ay isang kolumnista ng BusinessMirror mula Enero 2024[11]. Itinatampok ng kanyang kolum ang kahalagahan ng imprastraktura sa pagbuo ng bansa at paglago ng ekonomiya.