Maya

Ang Mayang pula, na tinutukoy ng mga dalubhasa bilang espesye ng maya na dating kinilalang pambansang ibon ng Pilipinas; isa lamang sa maraming uri ng pipit na pinapangalanang "maya" sa wikang Pilipino.

Ang maya (Ingles: tree sparrow, literal na "pipit ng puno") ay ang pangkalahatang katawagan sa maraming uri ng ibon sa Pilipinas.[1]

Pinakamadalas maturingang "maya" ang Mayang Simbahan (Passer montanus o Eurasian Tree Sparrow)[2] sapagkat ito ang espesye na pinakamadalas makita sa mga siyudad at ibang mataong lugar, ngunit ang mayang simbahan ay isang espesyeng iniangkat mula sa Europa, at may ilang uri pa ng pipit na tinutukoy ng pangalang "maya".

Partikular, tinutukoy sa librong "A Guide to the Birds of the Philippines" ni Robert S. Kennedy, ang Mayang pula (Lonchura_atricapilla) bilang espesye ng maya na kinilalang pambansang ibon ng Pilipinas, hindi ang Mayang simbahan.[3] (Sa kasalukuyan, ang pambansang ibon ng Pilipinas ay ang Haribon).

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Caliboso); $2
  3. Kennedy, Robert; atbp. A Guide to the Birds of the Philippines. ISBN 0-19-854668-8. {{cite book}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne