Maynila sa mga Kuko ng Liwanag | |
---|---|
Direktor | Lino Brocka |
Prinodyus |
|
Iskrip | Clodualdo del Mundo, Jr. |
Ibinase sa | In the Claws of Brightness ni Edgardo M. Reyes |
Itinatampok sina |
|
Musika | Max Jocson |
Sinematograpiya | Miguel de Leon |
In-edit ni |
|
Tagapamahagi | Cinema Artists Philippines |
Inilabas noong |
|
Haba | 125 minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Pilipino |
Ang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag ay isang pelikulang Pilipino noong 1975 ni Lino Brocka na may temang drama na batay sa nobela ni Edgardo M. Reyes na Sa mga Kuko ng Liwanag. Pinagbibidahan ito ni Rafael Roco, Jr. at Hilda Koronel at kinikilala na isa sa pinakamahusay, kung hindi man pinakamahusay na pelikulang Pilipino.[1] Nagwagi ito ng siyam na parangal sa FAMAS Awards noong 1976, kabilang ang parangal sa Pinakamahusay na Pelikula, Pinakamahusay na Direktor para kay Brocka, at Pinakamahusay na Aktor para sa bagitong aktor na si Roco.[2][3]
Tinanghal ang ni-restore na bersiyon nito bilang isa sa mga Classics sa Cannes Film Festival noong 2013.[4][5] Kinilala ng pinagpipitagang direktor at tagapangulo ng World Cinema Foundation, na si Martin Scorsese, ang “lugar ng Maynila sa pandaigdigang pelikula”, kasabay ng pagpuri sa kapwa niya direktor na si Brocka at cinematographer nito na si Mike de Leon.[1] Pumang tatlumpu[6][7] ang Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag sa Asian Cinema 100 o talaan ng 100 pinakamahusay na pelikulang Asyano na inilabas noong Oktubre 2015, kasabay ng ika-20 taon ng Busan International Film Festival.[8][9]
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)