Mayo

1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

Ang Mayo ay ikalimang buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. Mayroon itong haba na 31 araw. Sa Emisperyong Hilaga, buwan ng tagsibol ang Mayo at sa Emisperyong Katimugan, taglagas naman ang buwan na ito. Samakatuwid, ang Mayo sa Emisperyong Katimugan ay ang katumbas na panahon ng Nobyembre sa Emisperyong Hilaga at ang kabaligtaran nito. Sa huling araw ng Mayo, tipikal na nagsisimula ang bakasyong tag-init sa Estados Unidos (Memorial Day o Araw ng Alaala) at Canada (Araw ni Victoria) na nagtatapos sa Araw ng Paggawa, sa unang Lunes ng Setyembre. Sa Pilipinas, karaniwang ipinagdiriwang ang pista ng Flores de Mayo na isang debosyon kay Maria. Isa lamang ang Flores de Mayo sa mga pagdiriwang sa buong mundo para kay Maria tuwing Mayo.

Ang Mayo (sa Latin Maius) ay ipinangalan sa diyosang Griyego na si Maya, na kinikilala kasama ang diyosa ng pertilidad noong panahong Romano na si Bona Dea, na ginaganap ang kapistahan tuwing Mayo. Salungat dito, nagbigay ng ikalawang etimolohiya ang makatang Romano na si Ovidio, na sinasabi niya na ipinangalan ang buwan ng Mayo sa maiores, Latin para sa "mga nakakatanda," at ang sumunod na buwan (Hunyo) ay ipinangalang iuniores, o "mga nakakabata" (Fasti VI.88).

Mga mansanas ng Mayo na namumulaklak na karaniwang pangalan na ibinigay dahil sa karaniwang pamumulaklak nito sa buwan ng Mayo.
Mga natatanging debosyon sa Pinagpalang Birheng Maria ay nagaganap tuwing Mayo

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne