McDonald's

McDonald's
UriPampublikong kompanya
IndustriyaRestoran
Itinatag15 Mayo 1940 sa San Bernardino, California; McDonald's Corporation, 15 Abril 1955 sa Des Plaines, Illinois
NagtatagRichard at Maurice McDonald McDonald's restaurant concept; Ray Kroc, Nagtatag ng McDonald's Corporation.
Punong-tanggapanOak Brook, Illinois, Estados Unidos.
ProduktoFast food
Kita23,182,600,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kita sa operasyon
9,371,000,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
6,177,400,000 dolyar ng Estados Unidos (2022) Edit this on Wikidata
Kabuuang pag-aari52,626,800,000 dolyar ng Estados Unidos (2020) Edit this on Wikidata
Dami ng empleyado
200,000 (2020) Edit this on Wikidata
WebsiteMcDonalds.com
McDonalds.com.ph

Ang McDonald's Corporation o McDonalds (kilala sa Pilipinas bilang McDo) (NYSE:MCD) ay ang pinakamalaking fast-food chain ng restawran ng mga hamburger. Nagsimula ang kompanya noong 1940 bilang isang restawran ng ihaw-ihaw na pinamamahalaan nina Richard at Maurice McDonald kung saan hinango ang pangalan ng kompanya; Sumali ang negosyanteng si Ray Kroc sa kompanya at naging ahente ng prangkisiya noong 1955. Lumaon ay binili niya ang kompanya mula sa magkapatid.[1] Ang McDonald's ay nagkaroon ng dati nitong punong-tanggapan sa Oak Brook, Illinois, ngunit inilipat ang pandaigdigang punong-tanggapan nito sa Chicago noong Hunyo 2018.[2][3][4][5] Ang McDonald's ay isa ring kumpanya ng real estate sa pamamagitan ng pagmamay-ari nito sa lahat ng lokasyon ng mga restawran.[6]

Ang McDonald's ay ang pinakamalaking fast food restaurant chain sa buong mundo,[7] na naglilingkod sa mahigit 69 milyong mamimili araw-araw sa loob ng lagpas 100 bansa[8], kung saan mayroon itong mahigit 40,000 outlet noong 2021.[9][10] Kilala ang McDonald's sa mga hamburger, cheeseburger at french fries nito, bagama't kasama rin sa kanilang menu ang iba pang mga item tulad ng manok, isda, prutas, at salad. Ang kanilang pinakamabentang lisensyadong item ay ang kanilang french fries, na sinusundan ng Big Mac.[11] Ang mga kita ng McDonald's Corporation ay nagmumula sa renta, royalties, at bayad na binayaran ng mga franchisee, pati na rin sa mga benta sa mga kainan na pinapatakbo ng kumpanya. Ang McDonald's ay ang pangalawang pinakamalaking pribadong tagapagbigay ng trabaho sa mundo na may 1.7 milyong empleyado (sa likod ng Walmart na may 2.3 milyong empleyado).[12][13] Noong 2022, ang McDonald's ay may pang-anim na pinakamataas na global brand valuation.[14]

Dahil sa tagumpay na natamasa ng McDonald's sa pandaigdigang merkado, ang kompanyang ito ay naging simbolo ng globalisasyon at ang nagpakalat ng kung paano mamuhay ang mga Amerikano. Ang pagiging prominente nito rin ang nagdulot para maging dahilan ng mga debate tungkol sa obesidad at ang responsibilidad sa mga konsumer.

  1. "McDonald's History". Aboutmcdonalds.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-26. Nakuha noong 2011-07-23.
  2. "McDonald's future Near West Side neighbors air parking, traffic safety beefs". Chicago Tribune. Nakuha noong 7 Agosto 2016.
  3. Hufford, Austen (14 Hunyo 2016). "McDonald's to Move Headquarters to Downtown Chicago". The Wall Street Journal. Nakuha noong 7 Agosto 2016.
  4. "McDonald's Headquarters Opening in West Loop, Offers Food From Around The World". 24 Abril 2018. Nakuha noong 25 Abril 2018 – sa pamamagitan ni/ng CBS Chicago.
  5. "McDonald's Opens New Global Headquarters in Chicago's West Loop". 4 Hulyo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2020. Nakuha noong 5 Hulyo 2018.
  6. Purdy, Chase (2017-04-25). "McDonald's isn't just a fast-food chain—it's a brilliant $30 billion real-estate company". Quartz (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-17.
  7. "McDonald's Is King Of Restaurants In 2017 – pg.1". Forbes. Nakuha noong 12 Disyembre 2017.
  8. "McDonald's: 60 years, billions served". Chicago Tribune. Nakuha noong 30 Hulyo 2017.
  9. "MCDONALDS CORP, 10-K filed on 2/22/2019". Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2019.
  10. "Data" (PDF). d18rn0p25nwr6d.cloudfront.net. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 12 Marso 2017.
  11. Harris, William (2009-04-07). "10 Most Popular McDonald's Menu Items of All Time". HowStuffWorks (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-02.
  12. "The World's Largest Employers". WorldAtlas (sa wikang Ingles). 15 Pebrero 2018. Nakuha noong 29 Marso 2019.
  13. "The world's 30 largest employers will surprise you". www.msn.com. 29 Hunyo 2018. Nakuha noong 29 Marso 2019.
  14. "BrandZ Global Top 100 Most Valuable Brands". BrandZ. 11 Disyembre 2022.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne