Mehiko

Mehikanong Estados Unidos
Estados Unidos Mexicanos (Kastila)
Salawikain: La Patria Es Primero
"Una Ang Tinubuang-Lupa"
Awitin: Himno Nacional Mexicano
"Mehikanong Pambansang Himno"
Location of Mehiko
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lungsod ng Mehiko
19°26′N 99°8′W / 19.433°N 99.133°W / 19.433; -99.133
Wikang opisyal
at pambansa
Kastila
KatawaganMehikano
PamahalaanPampanguluhang republikang pederal
• Pangulo
Andrés Manuel López Obrador
LehislaturaCongreso de la Unión
• Mataas na Kapulungan
Senado de la República
• Mababang Kapulungan
Cámara de Diputados
Kasarinlan 
mula sa Espanya Espanya
16 Setyembre 1810
27 Setyembre 1821
• Kinilala
28 Disyembre 1836
5 Pebrero 1917
Lawak
• Kabuuan
1,972,550 km2 (761,610 mi kuw) (ika-13)
• Katubigan (%)
1.58 (as of 2015)
Populasyon
• Senso ng 2020
126,014,024 (ika-10)
• Densidad
61/km2 (158.0/mi kuw) (ika-142)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $2.715 trilyon (ika-11)
• Bawat kapita
Increase $21,362 (ika-64)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $1.322 trilyon (ika-15)
• Bawat kapita
Increase $10,405 (ika-64)
Gini (2018)41.8
katamtaman
TKP (2019)Increase 0.779
mataas · ika-74
SalapiPiso ng Mehiko (MXN)
Sona ng orasUTC−8 to −5
• Tag-init (DST)
UTC−7 to −5 (nag-iiba)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+52
Internet TLD.mx

Ang Mehiko (Kastila: México), opisyal na Mehikanong Estados Unidos, ay bansa sa Hilagang Amerika. Pinapaligiran ito ng Estados Unidos sa hilaga, Guatemala, Belise at Dagat Karibe sa timog-silangan, Look ng Mehiko sa silangan, at Karagatang Pasipiko sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 1,972,550 km2 at may populasyong halos 130 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Lungsod ng Mehiko.

Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pampulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pampulitika.

Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa Bangkong Pandaigdigan (World Bank). Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa (newly industrialized country) at isang umaangat na lakas (emerging power). Taglay nito ang ika-labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity). Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika (North American Free Trade Agreement o NAFTA), partikular na ang Estados Unidos. Nakatalá ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO (UNESCO World Heritage Site) na 32, at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon. Ayon sa Goldman Sachs, sa taóng 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Tinaya naman noong Enero 2013 ng PricewaterhouseCoopers (PwC) na pagdating ng 2050, maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa. Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng UN, WTO, G20 at Uniting for Consensus.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne