![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
![]() Mapa ng timog-kanlurang Karagatang Pasipiko (Melanesya ay kulay-bughaw na malilim) | |
Antiguong Griyegong "μέλας" (mélas) at "νήσος" (nísos) | |
Heograpiya | |
Arkipelago | Melanesia Kapuluang Solomon Kapuluang Bismarck Vanuatu Kapuluang Louisiade Kapuluang Trobriand Kapuluang D'entrecasteaux Kapuluang Admiralty Grupong Viti Levu Kapuluang Loyalty |
Katabing anyong tubig | Kipot ng Torres Dagat Arafura Look ng Cenderawasih Dagat Bismarck Dagat Solomon Karagatang Pasipiko |
Pangkalahatang pulo | Bagong Ginea Bagong Britanya Grande Terre Bagong Ireland Isla ng Bougainville Guadalcanal Malaita Santa Isabel Viti Levu Vanua Levu Espiritu Santo Malekula |
Sukat | 386,000 mi kuw (1,000,000 km2)[1] |
Pinakamataas na punto | Puncak Jaya (16,024ft.) |
Papua New Guinea | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port Moresby (pop. 364,145 (2011)[2]) |
Nasasakupan | 462,840 km2 (178,704 mi kuw) |
Kapuluang Solomon | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Honiara (pop. 84,520 (2017)[3]) |
Nasasakupan | 28,896 km2 (11,156.8 mi kuw) |
Fiji | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Suva (pop. 93,970 (2017)[4]) |
Nasasakupan | 18,274 km2 (7,055.6 mi kuw) |
Vanuatu | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port Vila (pop. 49,034 (2020)[5]) |
Nasasakupan | 12,189 km2 (4,706.2 mi kuw) |
Pinakamalaking paninirahan | Jayapura (pop. 303,760 (2020)[6]) |
Nasasakupan | 412,215 km2 (159,157.1 mi kuw) |
Bagong Kaledonya (Teritoryo ng Pransiya) | |
Kabisera at pinakamalaking commune | Nouméa (pop. 94,285 (2019)[7]) |
Nasasakupan | 18,576 km2 (7,172.2 mi kuw) |
Demograpiya | |
Hentilisiyo | Melanesyan Melanesyano |
Populasyon | 17,396,848 (2020)[8][kailangan ng sanggunian] |
Densidad ng pop. | 17.4 /km2 (45.1 /mi kuw) |
Mga wika | Mga Pambansang Wika: Papuan Malay Tok Pisin Hiri Motu Bislama Fijian Mga Pandayuhang Wika: Ingles Pranses Hindi |
Mga pangkat etniko | Mga Pangkat-Etniko ng Bagong Ginea (listahan) Melanesyano Ni-Vanuatu Fijian Kanak |
Karagdagang impormasyon | |
Sona ng oras |
|
ISO 3166 | QX[9] |
Ang Melanesia o Melanesya ay isang rehiyon na matatagpuan sa timog ng Micronesia, kanluran ng Polynesia, hilagang-silangan ng Australya, at silangan ng Kapuluang Malay. Ito ay matatagpuan sa bandang timog-kanlurang bahagi ng Pasipiko. Ang mga pangunahing bahagi nito ay ang Isla ng Bagong Ginea, Bagong Kaledonya, Fiji, Kapuluang Solomon, Kapuluan sa Kipot ng Torres sa Australya at Vanuatu. Ang rehiyon ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Singsing na Apoy ng Pasipiko.
Ang mga unang tao sa Melanesya ay Asyatiko.[10] Ang unang paglapag ng mga tao sa rehiyon ay noong 50,000 hanggang 60,000 taong nakalipas, sa isla ng Bagong Ginea.[11] Ang mga unang taong nanirahan doon ay mga Papuan.[12] Sumunod na nakarating ang mga tao sa Kapuluang Solomon mula sa Isla ng Bismarck, mahigit 30000 BC hanggang 28000 BC ng mga taong Papuan.[13] Noong mahigit 1600 BC, nakaabot sa Bagong Kaledonya ng mga taong Lapita.[14] Noong mahigit 1500 BC ay dumating sila sa Vanuatu[15] at Fiji, pareho ng mga taong Lapita.[16]
Ang rehiyong ito ay naglalaman ng isa sa pinakamalaking natitirang rainforest na lugar sa mundo sa bansang Papua Bagong Ginea.[17] Naglalaman ito ng 2000 isla, kasama na ang pinakamalaking isla sa rehiyon, ang Bagong Ginea, na itinuturing bilang ikalawa sa pinakamalaking isla sa buong mundo, na pinapangunahan ng Greenland.[18]