Menorah

Isang rekonstruksiyon ng Menorah sa Templo sa Herusalem na nilikha ng Temple Institute
Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.
Menorah bilang pambansang emblem o simbolo ng estado ng Israel.
Isang rekonstruksiyon ng Arko ni Tito sa Beit Fatfusot, Tel Aviv, Israel.

Ang Menorah ( /məˈnɔːrə/; Hebreo: מְנוֹרָהBigkas sa wikang Hebreo: [menoˈʁa]) ay inalalarawang sa Bibliyang Hebreo o Tanakh bilang isang may pitong sangay na candelabrum na ginamit sa Tabernakulo sa Templo sa Herusalem (Templo ni Solomon at Templo ni Herodes). Ang menorah ay isang simbong ng Hudaismo at diasporang Hudyo mula pa sa sinaunang panahon.[1] Ito ay isang pambansang emblem ng estado ng Israel. Ayon sa Bibliya, ito ay gawa sa dalisay na ginto at ang isang sariwang langis ng olibo au ginagamit upang sindihan ang mga lampara o sangay nito. Sa tradisyong Hudyo, ang Templo ni Solomon ay naglalaman ng sampung menorah na kinuha ng mga Babilonio sa ilalim ni Nabucodonosor II. Ang menorah ay nakalagay rin sa Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE at kinuha ng mga Romano ang gamit sa templo kabilang ang menorah. Ang mga representasyon ng menorah ay natuklasan sa mga libingang Hudyo at monumento mula ika-1 siglo. Ang menorah ay ginagamit sa Hanukah at may siyam na lampara at simbolo ng pagwawagi ng mga Hudyo laban sa Dinastiyang Seleucid noong ika-2 siglo BCE.

  1. Birnbaum, Philip (1975). A Book of Jewish Concepts. New York: Hebrew Publishing Company. pp. 366–367. ISBN 088482876X.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne