Si Merlin ay isang malamat na katauhan na nakikilala bilang salamangkerong tampok sa alamat ni Haring Arthur. Ang pamantayang paglalarawan ng tauhan ay unang lumitaw sa Historia Regum Britanniae ni Geoffrey ng Monmouth na naisulat noong c. 1136, at ibinatay sa amalgamasyon dating mga pangkasaysayan at pang-alamat na mga pigura. Pinagsama-sama ni Geoffrey ang umiiral nang mga kuwento ni Myrddin Wyllt (Merlinus Caledonensis), isang Hilagang Brythonikong propeta at baliw na walang kaugnayan kay Haring Arthur , at ang mga salaysay ng Romano Britanikong pinuno ng digmaan na si Ambrosius Aurelianus upang mabuo ang pigurang komposito na tinawag niyang Merlin Ambrosius (Gales: Myrddin Emrys).
Ang pagtrato ni Geoffrey sa tauhan ay kaagad na naging tanyag, natatangi na sa Wales.[1] Pinalawig ng sumunod na mga manunulat ang salaysay upang makalikha ng isang mas punong imahe ng "bruho". Ang nakaugaliang talambuhay ni Merlin ay naglalarawan sa kaniya bilang isang cambion: na ipinanganak ng isang babaeng tao (babaeng mortal), subalit ang ama ay isang incubus, isang hindi taong nilikha ng kalikasan na pinagmulan ng mga kapangyarihan at mga kakayahang sobrenatural ni Merlin.[2] Ang pangalan ng ina ni Merlin ay hindi karaniwang binabanggit subalit ibinigay bilang Adhan sa pinakalumang bersiyon ng Prosang Brut.[3] Lumaki si Merlin upang maging isang nangingibabaw na lalaking may karunungan at ipinlano niya ang pagpapanganak ni Arthur sa pamamagitan ng salamangka at intriga.[4] Ginawa ng sumunod na mga may-akda na si Merlin ay maglingkod bilang tagapayo ng hari hanggang sa siya ay maengkanto at ibilanggo ng Babae ng Lawa (nakikilala bilang Nimue o Viviane.[4]