Metro Manila Skyway



Metro Manila Skyway
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon, kalakip ang Skyway na nakakahel
Sa pahilagang linya ng Skyway.
Impormasyon sa ruta
Haba31.2 km (19.4 mi)
kasama ang kasalukuyang itinatayo na Ikatlong Yugto
Umiiral1998–kasalukuyan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N190 (Abenida Gil Puyat) at Kalye Malugay, Makati
Dulo sa timog AH26 / E2 (South Luzon Expressway) at Daang Bunye, Alabang, Muntinlupa
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Metro Manila Skyway, na mas-kilala sa madla bilang Skyway, ay isang fully grade separated na nakaangat na mabilisang daanan na nagsisilbi bilang pangunahing mabilisang daanan sa katimugang Kalakhang Maynila, at sumusunod sa pagkakalinya ng umiiral na South Luzon Expressway (SLEX) sa ibabaw nito. Humahaba ito mula Gil Puyat Avenue sa hilaga hanggang Alabang–Zapote Road sa timog at tumatawid ito sa mga lubhang urbanisadong pook ng Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa, at pinapagaan nito ang SLEX at ibang mga pangunahing lansangan mula sa mabigat na trapiko.

Ang Skyway ay ang unang fully grade-separated highway (o lansangang nakahiwalay nang husto sa lupa) sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakamahabang flyover sa mundo na may kabuuang haba na 31.2 kilometro (19.4 milya). Nagbibigay ito ng daan papasok sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng NAIA Expressway. Kalakip ng pagkokompleto ng Ikatlong Yugto ng Karugtong ng Skyway (Skyway Extension Stage 3) na nakatakda sa 2020, mag-uugnay ang nakaangat na mabilisang daanan sa North Luzon Expressway sa Lungsod Quezon, at maitutulong mabawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Maynila at Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Pampanga.[1]

Dahil sa pagbubukas ng sistemang Skyway, malaki ang binago sa sitwasyong trapiko ng South Luzon Expressway kalakip ng karagdagang kapasidad ng daanan, naiayos na mga daan, pinaganda at bagong tayong mga pasilidad.

Mula 2011, ginagamit ang Metro Manila Skyway bilang pangunahing running course ng Condura Skyway Marathon.[2]

  1. Hilario, E. (22 Agosto 2016). "This road project will help solve Metro traffic". Business Mirror. Nakuha noong 14 Enero 2017.
  2. "Condura Run: Through The Years". Condura. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 11 Enero 2016.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne