![]() Mga mag-aaral na Waray sa isang edit-a-thon ng Wikipedia sa Unibersidad ng Pilipinas sa Bisaya - Kolehiyo ng Tacloban (2016) | |
Kabuuang populasyon | |
---|---|
4,106,539 (2020)[1] (3.8% ng populasyon ng Pilipinas) | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
![]() (Silangang Bisaya, silangang bahagi ng Masbate, Caraga, Sorsogon, at Kalakhang Maynila) | |
Wika | |
Waray, Sebuwano, Tagalog, Ingles | |
Relihiyon | |
Nakakarami ang mga Kristiyano (Katoliko) | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Ibang mga Bisaya at mga pangkat etniko sa Pilipinas |
Ang mga Waray (o ang mga Waray-Waray) ay isang subgrupo ng mas malaking pangkat etnolinggwistiko na mga Bisaya, na ang ikaapat na pinamalakaing pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas.[2] Ang wikang Waray (tinatawag din na Lineyte-Samarnon o Binisaya) ay ang pangunahing wika nila. Ito rin ay isang wikang Austronesyo na katutubo sa kapuluan ng Samar, Leyte at Biliran, na kapag pinagsama-sama ay tinatawag na Rehiyon ng Silangang Bisaya ng Pilipinas. Nakatira ang mga Waray sa karamihan ng Samar kung saan tinatawag silang mga Samareño/mga Samarnon, ang hilagang bahagi ng pulo ng Leyte kung saan tinatawag silang mga Leyteño, at ang pulo ng Biliran. Sa pulo ng Leyte, nahihiwalay ang mga nagsasalita ng Waray sa mga nagsasalita ng Sebuwano sa pamamagitan ng mga bulubundukin ng pulo sa gitna.
Sa pulong-lalawigan ng Biliran, nakatira ang mga nagsasalita ng Waray sa silangang bahagi na nakaharap sa mga pulo ng Samar, at Maripipi; tinatawag karaniwan ang diyalekto nila ng Waray bilang Biliranon.[3][2] Sa pulo ng Ticao, kabilang sa lalawigan ng Masbate, sa Rehiyong Bikol, nakatira ang mga nagsasalita ng Waray sa karamihan ng pulo, at tinatawag silang bilang mga Ticaonon.[4] Bagaman, kinikilala ng mga Ticaonon ang kanilang sarili bilang kasama ng mga nagsasalita ng Masbateño ng Masbate, dahil kaprobinsya nila sila.[4] Ang wikang Bikol ay mas marami pang bokabularyo sa wikang Waray kaysa sa iba pang mga wikang Bisaya (tulad ng Sebuwano o Ilonggo).[4]
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang :0
); $2