Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang mga Kagawarang Tagapagpaganap ng Pilipinas ay ang pinakamalaking bahagi ng pambansang sangay tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga kagawaran ay nagbubuo ng pinakamalaking bahagi ng burukrasya ng bansa.May kabuuang labing-siyam na kagawarang ehekutibo. Ang mga namumuno sa mga Kagawarang Tagapagpaganap ay kilala rin bilang Gabinete ng Pilipinas.
Noong panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos, ayon sa mandato ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973, binago niya ang mga kagawaran at ginawang mga ministeryo mula 1978 at sa pagwawakas ng kanyang pamahalaan. Kaya't ang Kagawaran ng Edukasyon ay naging Ministeryo ng Edukasyon, Kultura at Palakasan.