Ang mga Aeta, Ayta, Agta, o Ati (Ayta, pronounced /ˈaɪtə/ EYE-tə), ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at liblib na mga bahaging bulubundukin ng Luzon, Pilipinas. Itinuturing sila bilang mga Negrito, na mayroong mga balat na maiitim o madidilim ang pagkakayumanggi at mayroong mga tampok na katangian ng pagiging maliliit ang taas, maliliit ang balangkas, mayroong mga buhok na kulot na katulad ng sa mga maiitim na tao ng Aprika na mayroong mataas na pagiging madalas na likas na mas mapusyaw na kulay ng buhok na kung tawagin ay blondismo na nauukol sa pangkalahatang populasyon; mayroon din silang maliliit na mga ilong, at madidilim na kayumangging mga mata. Iniisip na sila ang pinakamaagang pangkat ng mga taong nanirahan sa Pilipinas, bago pa man naganap ang pandarayuhan o pagdating ng mga taong Austronesyo.[1]
Kabilang ang mga Aeta sa pangkat ng mga tao na tinagurian bilang mga "Negrito" noong pamumuno ng kolonya ng mga Kastila. Ang sari-saring mga pangkat ng mga Aeta sa hilagang Luzon ay nakikilala bilang mga "Pugut" o "Pugot," isang pangalan na itinalaga sa kanila ng mga taong nagsasalita ng wikang Ilokano na kanunog ng kanilang tirahan, na siyang katagang kolokyal praa sa mga taong mayroong mas maiitim na kutis. Sa Ilokano, ang salitang "Pugut" o "Pugot" ay nangangahulugan din ng "tiyanak", "duwende", "goblin" o "espiritu sa gubat".[2] Karamihan sa mga Negrito ng Luzon ang tumuturing sa mga katawagang ito bilang nakakainsulto para sa kanila.
{{cite book}}
: CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) CS1 maint: year (link)