Kabuuang populasyon | |
---|---|
33,463,654 | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Visayas, malalaking bahagi ng Mindanao, ang mga ibang bahagi ng Pilipinas at mga komunidad sa ibayong dagat | |
Wika | |
Cebuano, Hiligaynon, Kinaray-a, Waray, Mga wikang Bisaya, Tagalog, Ingles, Kastila, atbp. | |
Relihiyon | |
Kristiyanismo: 92% Romano Katoliko, 2% Aglipayano, 1% Ebangelikal, nalalabing 5% ay kabilang sa Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas, Iglesia ni Cristo, 1% Sunni Islam, Animismo, atbp.[1] | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Mga ibang Pilipino Mga taga-Sulawesi |
Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat-etnikong Pilipino. Pangunahin na naninirahan sa Kabisayaan, mga timugang kapuluan ng Luzon, at maraming bahagi ng Mindanao. Sila ang pinakamalaking pangkat-etniko sa paghahating heograpikal ng bansa kung ituturing bilang iisang pangkat, na bumibilang ng halos 33.5 milyon. Malawakang nakikibahagi sila ng kulturang pandagat na may malakas na tradisyon ng Romano Katoliko na pinagsamahan sa mga elemento ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga siglo ng pakikipag-ugnay at kapwa pandarayuhan lalo na sa mga dagat ng Kabisayaan, Sibuyan, Camotes, Bohol, at Sulu; at sa mga iilang liblib na lugar ay pinagsamahan sa mga sinaunang impluwensyang animistiko-politeyistiko (hal. Katutubong Katolisismo). Karamihan ng mga Bisaya ay nagsasalita ng isa o higit pang mga wikang Bisaya, ang pinakasinasalita rito ang Sebwano, kasunod ng Hiligaynon (Ilonggo) at Waray-Waray.[2]