Mga Negrito

Negrito
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 India
(Kapuluan ng Andaman at Nicobar)
 Malaysia
(Peninsular Malaysia)
 Pilipinas
(Luzon, Palawan, Panay, Negros, at Mindanao)
 Thailand
(Southern Thailand)
Wika
Wikang Andamanese, Wikang Aslian, Wikang Nicobarese, Philippine Negrito languages
Relihiyon
Animism, folk religions
Isang makabagong larawan ng isang batang babaeng Ita, isang Negrito.
Isang lumang larawan ng isang batang babaeng Negrito. Kuha noong 1901.

Ang mga Negrito sa Pilipinas, ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas noong mga may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa Borneo at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating ang Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao. Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang nauna kesa mga Negrito. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang tao sa Tabon, kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang taong namuhay sa Pilipinas. Ngunit hindi pa rin natitiyak kung kailan talaga dumating ang mga Negrito sa kapuluan. Isa sa mga dating sapantaha ang naglalahad na nakarating sa Pilipinas ang Negrito noong huling panahon ng tag-ginaw (mga 30,000 taon hanggang 18,000 taon sa nakaraan), kung kailan bumabaw ang mga karagatan kaya't nakalakad ang mga tao sa lupang lumitaw mula Biyetnam, Indonesya at Malaysia. Ito ang sinapantaha sapagkat pinaniniwalaang hindi marunong ang mga Negrito sa larangan ng pamamangka at paglalakbay sa mga katubigan, partikular na sa mga karagatan, bagaman may mga ginawang paghahambing sa pagitan ng mga Negrito at ng mga aboriheno ng Bagong Guinea at Melanesya.[1] Sapagkat marunong gumamit ng palakol at askarol (batong pinatulis) ang mga tinutukoy na aboriheno, at may kaalaman din sa pamamangka, nagkaroon ng mga katanungan kung naging marunong din sa ganitong mga gawain ang mga Negrito. Subalit nagkaroon ng mga suliranin sa paghanap ng mga sinauna nilang kagamitang yari sa mgabato o mga katulad mula sa mga kasukalan ng mga kagubatan. Nalalaman lamang na may gawi silang nomadiko o palabuy-laboy, pagala-gala, at palipat-lipat ng mga pook, wala silang permanenteng tirahan, kahit man mga libingan ng mga namatay na kauri.[1]

  1. 1.0 1.1 "Negrito", Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?, Ang Unang Tao, Elaput.org

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne