Mayroong labing-isang kalakhang rehiyon sa Alemanya[1] na binubuo ng mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon at ang kanilang mga sumasalong pook. Kinakatawan nila ang mga sentrong pampolitika, pangkomersiyo, at pangkultura ng Germany. Ang labing-isang kalakhang rehiyon sa Germany ay inorganisa sa mga yunit pampulitika para sa mga layunin ng pagpaplano.
Batay sa isang mas makitid na kahulugan ng mga metropolis na karaniwang ginagamit upang matukoy ang katayuan ng kalakhan ng isang partikular na lungsod,[2] apat na lungsod lamang sa Germany ang lumalampas sa pamantayan ng hindi bababa sa isang milyong mga naninirahan sa loob ng kanilang mga administratibong hangganan: Berlin, Hamburgo, Munich, at Colonia.
Para sa mga sentrong urbano sa labas ng mga kalakhang lugar na kaparehong sentro para sa kanilang rehiyon, ngunit sa mas maliit na sukat, ang konsepto ng Rehiyopolis at ang mga kaugnay na konsepto ng regiopolitan area o regio ay ipinakilala ng mga propesor sa pagpaplano sa lunsod at rehiyon noong 2006.[3]