Mga kasakupang pederal ng Rusya

Ang Rusya ay isang pederasyon na nakahati sa 83 kasakupang pederal (federal subjects; mga kasapi ng Pederasyon). Noong unang inaprubahan ang Saligang Batas noong 1993, may 89 kasakupang pederal ang nakatala rito. Pagdating ng 2008, bumaba ang bilang nito sa 83 dahil sa pagsasanib ng ilang mga kasakupang pederal.

Magkapantay ang mga karapatang pederal ng mga kasakupang pederal sa pagkakapantay-pantay nila ng pagkakatawan sa Sangguniang Pampederasyon (ang mataas na kapulungan ng Asemblea Pederal), kung saan mayroon silang dalawang kinatawan. Gayunpaman, magkakaiba ang antas ng pagkakasarili ng bawat kasakupang pederal.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne