Sa Espanya, ang isang nagsasariling pamayanan ay ang pinakamataas na pagkakahating administratibo, na itinatag ayon sa saligang batas ng Espanya ng 1978, na layuning garantiyahin ang limitadong pagsasarili ng mga rehiyon na bumubuo sa Espanya.[1][2][3]
Ang Espanya ay hindi isang pederasyon, ngunit isang desentralisadong [4][5] bansang unitaryo.[1] Habang ang soberanya ay nasa kamay ng bansa bilang isang kabuuan, na kinakatawan sa pamahalaang nasyonal, ang mga pamayanan ay may iba't ibang antas ng kapangayarihan sa pagsasarili, kung saan ginagamit nila ang kanilang karapatan na mamahala ng sarili na naaayon sa limitasyon sa saligang batas.[1] Ang bawat pamayanan ay may kanya-kanyang hanay ng mga kapangyarihan; kadalasan ang mga pamayanang may higit na malakas na antas ng nasyonalismo ay may higit na kapangyarihan, at and debolusyong ito ay tinawag na asimetrikal. Ang ilang dalubhasa ay itinuturing ang sistemang ito bilang isa ring sistemang pederal ngunit hindi ang pangalan, o "pederasyon na walang pederalismo.[6]
Ang limampung mga lalawigan ng Espanya ay ipinapangkat sa labinsiyam na awtonomong pamayanan at lungsod.
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang fiscal
); $2