Mga pangkat etniko sa Pilipinas

Ang tinatawag na mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay maaaring ipakahulugan na isang pag-uuri o sarilinang pagkakakilanlan ng mga Pilipino batay sa kanilang lipi, wika, relihiyon, o kasaysayan. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay ang mga Ilocano, Pangasinense, Tagalog, Kapampangan, mga Bicolano, at Bisaya. Pinaniniwalaaang kabilang ang mga pangkat na ito sa lahing Austronesio o Malayo.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne