![]() Isang strawberry milkshake na nilagyan ng presa | |
Ibang tawag | Thick shake, frappe, cabinet |
---|---|
Uri | Inumin |
Lugar | Estados Unidos |
Pangunahing Sangkap | Gatas, sorbetes, at mga pampalasa o pampatamis |
|
Ang milkshake (o minsan shake lang) ay isang matamis na inumin na gawa sa paghahalo ng gatas, sorbetes, at mga pampalasa o pampatamis gaya ng butterscotch, sarsang karamelo, sirup de-tsokolate, sirup de-prutas, o mga buong prutas, nuwes, o binhi sa isang timplang makapal, matamis at malamig. Maaari ring gumamit ng base na gawa sa mga produktong di-lakteo, kabilang ang mga gatas ng halaman gaya ng gatas de-almendras, gata, o gatas de-utaw.
Nagmula ang milkshake sa Estados Unidos noong pagliko ng ika-20 siglo, at sumikat ito noong nagkaroon ng mga blender de-kuryente sa sumunod na dalawang dekada. Naging karaniwang bahagi ito ng kulturang popular ng mga kabataan, dahil katanggap-tanggap na mitingan para sa kanila ang mga sorbeterya, at naging simbolo ang mga milkshake ng inosensiya ng kabataan.