Bahagi ng isang serye sa |
Heolohiya |
---|
![]() |
Mahahalagang bahagi |
Mga paksa
|
Pananaliksik |
|
Ang mineral o batong mineral[1] ay isang solido at inorganikong bagay[1] na kusa o likas na nabubuo sa loob ng Mundo. Mayroon itong kayariang kristal at natural na nangyayari sa pamamagitan ng sarili lamang dahil sa prosesong heolohiya.[2] Tinatawag na mineralohiya ang pag-aaral ng mga mineral.[3] Mayroon din itong kumposisyon o kabuuang kimikal. Isa rin itong matigas na bagay na itinuturing na elementong kimikal at may buong kumpuwestong kimikal. May lagpas sa 4,000 mga tipo o uri ng nakikilalang mga mineral.[4] Dalawa sa pangkaraniwang mga mineral ang kuwarts at ang peldespato habang matatagpuan lamang ang iba sa ilang lugar sa mundo
Ang mga mineral ay nag-iiba sa komposisyon, mula sa mga purong elemento at simpleng mga asin hanggang sa napakakomplikadong silikato na may libu-libong kilalang mga anyo. Sa kabaligtaran, ang isang sampol ng bato ay isang walang-piling na pinagsama-samang mga mineral at/o mineraloide, at walang tiyak na komposisyong kemikal. Karamihan sa mga bato ng sa ibabaw ng Daigdig ay may kuwarso (kristalinang skibidi), peldespato, mika, klorito, kaolin, kalsita, epidota, olibino, augita, hornblenda, magnetita, hematita, limonita at ilang iba pang mineral. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mineral sa ngayon ay ang silikato (karamihan sa mga bato ay ≥95% silikato), na higit sa lahat ay gawa sa silisiyo at oksihino, kasama rin ng mga iono ng aluminyo, magnesiyo, bakal, kaltsiyo at iba pang mga metal.