Ang Miss Universe 2016 ay ang ika-65 na Miss Universe pageant, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay, Kalakhang Manila, Pilipinas noong 30 Enero 2017.[a][4] Ito ang pangalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na lumaktaw ng isang buong taon ang kompetisyon, kasunod ng Miss Universe 2014 na ginanap noong Enero 2015.[5]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Pia Wurtzbach ng Pilipinas si Iris Mittenaere ng Pransiya bilang Miss Universe 2016. Ito ang pangalawang tagumpay ng Pransiya sa kasaysayan ng kompetisyon.[6][7] Nagtapos bilang first runner-up si Raquel Pélissier ng Hayti, habang nagtapos bilang second runner-up si Andrea Tovar ng Kolombya.[8]
Mga kandidata mula sa walumpu't-anim na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Steve Harvey at Ashley Graham ang kompetisyon.[9][10] Nagtanghal sina Flo Rida at Boyz II Men sa edisyong ito.[11][12][13]
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2