Miss Universe 2017 | |
---|---|
![]() Demi-Leigh Nel-Peters | |
Petsa | 26 Nobyembre 2017 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | The AXIS, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos |
Brodkaster |
|
Lumahok | 92 |
Placements | 16 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Demi-Leigh Nel-Peters![]() |
Congeniality | Farah Sedky![]() Laura de Sanctis ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Momoko Abe![]() |
Ang Miss Universe 2017 ay ang ika-66 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa The AXIS sa Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada, sa Estados Unidos noong 26 Nobyembre 2017.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Iris Mittenaere ng Pransiya si Demi-Leigh Nel-Peters ng Timog Aprika bilang Miss Universe 2017. Ito ang pangalawang tagumpay ng Timog Aprika sa kasaysayan ng kompetisyon.[2] Nagtapos bilang first runner-up si Laura González ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Davina Bennett ng Hamayka.[3][4]
Mga kandidata mula sa siyamnapu't-dalawang mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito.[5] Pinangunahan nina Steve Harvey at Ashley Graham ang kompetisyon, samantalang sina Carson Kressley at Lu Sierra ang nagsilbing mga expert analyst. Nagtanghal si Fergie at Rachel Platten sa edisyong ito.[6][7] Itinampok rin sa edisyong ito ang pagbabalik ng Phoenix Mikimoto crown, na huling ginamit noong 2008 matapos na idinemanda diumano ng WME/IMG ang Diamond International Company dahil sa paglabag nito sa kontrata noong Agosto 2017.[8][9]