Miss World 1951 | |
---|---|
![]() Kiki Håkansson, Miss World 1951 | |
Petsa | 27 Hulyo 1951 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido |
Lumahok | 27 |
Placements | 5 |
Bagong sali |
|
Nanalo | Kiki Håkansson![]() |
Ang Miss World 1951 ay ang unang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido. noong 27 Hulyo 1951.[1]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan si Kiki Håkansson ng Suwesya bilang Miss World 1951.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Suwesya, at ang kauna-unahang nagwagi bilang Miss World sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Laura Ellison-Davies ng Gran Britanya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Doreen Dawne ng Gran Britanya. Si Håkansson ang katangi-tanging kampeon na kinoronahan habang suot ang isang bikini.[4]
Dalawampu't-pitong kandidata mula sa anim na bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.