Miss World 2000

Miss World 2000
Priyanka Chopra
Petsa30 Nobyembre 2000
Presenters
Entertainment
  • Bryan Ferry
  • Bond
  • S Club 7
PinagdausanMillennium Dome, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
  • E!
  • Channel 5
Lumahok95
Placements10
Bagong sali
  • Biyelorusya
  • Hilagang Irlanda
  • Inglatera
  • Moldoba
Hindi sumali
  • Guyana
  • Letonya
  • Reyno Unido
  • Sambia
  • Sint Maarten
  • Seykelas
  • Suwasilandiya
  • Taylandiya
Bumalik
  • Barbados
  • Curaçao
  • Dinamarka
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Namibya
  • Taywan
NanaloPriyanka Chopra
 Indiya
← 1999
2001 →

Ang Miss World 2000 ay ang ika-50 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Millennium Dome sa Londres, Reyno Unido noong 30 Nobyembre 2000. Ang edisyong ito ang kauna-unahang edisyon mula nang mamatay ang may-ari ng pageant na si Eric Morley, at ang kanyang biyudang si Julia Morley ang umako sa responsibilidad na ito.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Yukta Mookhey ng Indiya si Priyanka Chopra ng Indiya bilang Miss World 2000. Ito ang panlimang beses na nanalo ang Indiya bilang Miss World.[1][2] Nagtapos bilang first runner-up si Giorgia Palmas ng Italya, habang nagtapos bilang second-runner-up si Yüksel Ak ng Turkiya.

Mga kandidata mula sa siyamnapu't-limang mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Jerry Springer at Rebecca de Alba ang kompetisyon. Nagtanghal sina Bryan Ferry, musical quartet na Bond, at ang S Club 7 sa edisyong ito.[3]

  1. "Miss World - gaffes behind her, Bollywood ahead?". Daily News (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2000. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  2. "India's Chopra is new Miss World". New Straits Times (sa wikang Ingles). Agence France-Presse. 2 Disyembre 2000. p. 11. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  3. "Returning". The Age (sa wikang Ingles). Melbourne, Victoria. 18 Hulyo 2000. p. 29. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne