Mojibake

Isang halimbawa ng mojibake. Nakakodigo ang Wikipediang Hapón sa sistemang UTF-8; gayunpaman, ginamit sa halimbawang ito ang sistemang Windows-1252 para ipakita ang pahinang mojibake nito.

Mojibake (IPA: [mod͡ʑibake], mula Hapones: 文字化け, lit. na 'pagbabago ng titik') ang tawag sa nagkandagulo-gulong teksto na resulta ng maling pagdekodigo sa naturang teksto dahil sa maling ginamit na sistema ng pagsasakodigo ng karakter.[1] Sistematiko nitong pinapalitan ang mga simbolo ng teksto ng mga simbolong walang kinalaman dito, madalas mula pa sa ibang sistemang panulat.[2] Hindi itinuturing na mojibake ang mga kaso kung saan walang kaakibat na karakter sa font na ginamit.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang halle2016); $2
  2. Rouse, Margaret (9 Hunyo 2016). "Mojibake". Technopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Abril 2023.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne