Muhammad Kudarat | |
---|---|
Panahon | 1619–1671 |
Lalad | Kasultanan ng Maguindanao |
Ama | Laut Buisan |
Kapanganakan | 1581 Maguindanao |
Kamatayan | 1671 (edad 89–90) Simuay, Maguindanao |
Pananampalataya | Islam |
Si Sultan Muhammad Dipatuan Qudratullah Nasiruddin o Muhammad Dipatuan Kudarat (1581–1671) ay ang ika-7 Sultan ng Kasultanan ng Maguindanao. Noong panahon ng kanyang pamumuno, matagumpay niyang nalabanan ang mga Kastila na sinubok na sakupin ang kanyang lupain at nahadlangan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pulo ng Mindanao. Mula siya sa angkan ni Shariff Kabungsuwan, isang misyonaryong Muslim na nagdala ng Islam sa Pilipinas noong pagitan ng ika-13 hanggang ika-14 na dantaon.[1] Isinunod sa pangalan niya ang lalawigan ng Sultan Kudarat sa Pilipinas, pati ang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, kung saan ang kaapu-apuhan ng mga Datu at pinuno ang mga kasalukuyang pinunong pampolitika.