Ang muling pagkabuhay o resureksyon ay ang pagbabalik na may buhay pagkaraang mamatay.[1] Maaari rin itong tumukoy sa pagbabalik sa isang dating gawain, silbi o gamit ng isang tao, nilalang, o bagay. Katumbas din ito ng muling pagsilang. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, kaugnay ito ng muling pagkabuhay ni Hesuskristo at ng pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom.[2] Bilang apelyido sa buong pangalan ng tao, binabaybay itong Resurrecion na hango mula sa salitang Kastilang resurección para sa "pagkabuhay na mag-uli" ng katawan.